Home
/
News
/
Theatre Worldwide
Back

De La Salle - College of Saint Benilde|DOC ANNA . . . LET'S KILL THIS LAB!

Jul 5, 2022

Manila, Philippines cordially invites everyone to Theater Arts Program and its Batch 118

Dr. Layeta Bucoy’s DOC ANNA . . . LET’S KILL THIS LAB!
Direction: Tuxqs Rutaquio
July 29, 2022 - August 12, 2022

 
 

Nu’ng panahong walang maani ang mga magsasaka sa bayan ng Salvados sa tuwing darating ang tagtuyot, nakaimbento ang isang chemist sa kanilang nagtuturo sa Colegio de Salvados ng evaporation suppressant na tinawag nilang Salvados Kontra-Tagtuyot fertilizer. Dahil sa naging tagumpay n’ya upang lutasin ang nagdaang krisis sa Salvados, s’ya muli ang nilapitan nu’ng matapos ng ilang taon ay biglang nangangamatay ang mga mamamayan ng Salvados dahil sa kanser.

Upang malutas ang kinakaharap na krisis, hiniling ni Doc Anna kina Tito at Vicky – magkaribal sa pagka-mayor ng Salvados – na sila’y magkaisa na upang makumpleto ang nanotechnology laboratory ng kanilang Colegio sapagka’t ito ang gagamitin upang tukuyin ang sanhi ng pagkalat ng kanser. Nagkaisa ang magkaribal at nagawa ni Doc Annang matuklasan na mataas ang arsenic level of contamination ng tubig sa kanilang bayan. Dahil ganado sa tagumpay ng kanilang bagong tuklas na pagkakaisa, hinilingan muli si Doc Annang lutasin ang problema ng kanilang tubig sa arsenic. Nguni’t sa pagkakataong ito, may natuklasan ang kanyang research assistant na si Boy-C na hahamon sa tagumpay ng kanilang ginagawang pag-aaral, habang ang kasintahan naman ni Boy-C na pamangkin ni Doc Anna ay minumulto ng halimaw ng kanyang nakaraan, at ang ina ni Doc Annang si Amparing ay binoluntaryo si Doc Anna upang maging hermana mayor sa kapistahan ng kanilang patrong si La Virgen de Salvados. 

Sa kawing-kawing na mga problema at gulo ng sitwasyon, di rin makapili ang mga mamamayan sa pagitan nina Tito at Vicky kung sino ang karapat-dapat na ibotong mayor. Ang mga gulong dulot ng kanyang personal na buhay, ng pulitika, at ng proseso ng pananaliksik ay magtutulak kay Doc Anna upang sa huli’y lutasin ang mga problema ng Salvados sa paraang alam ng mga tulad n’yang walang kapangyarihan. 

Ticket Price: ₱250.00
Purchase Link: https://ticket2me.net/
For more information and inquiries please contact us via 
Email: maiba18productions@gmail.com or Mobile Number: +63(921) 969 1685
Facebook page: https://www.facebook.com/maiba18prod